Panitikan Wiki
Advertisement

Talambuhay ni Marcel M. Navarra[]

Tubong Tuyom, isang baryo sa Carcar, Timog Cebu si Marcel M. Navarra na ipinanganak noong Hunyo 2, 1914. Sa lugar dinng ito siya lumaki at yumao noong Marso 28, 1984. Bukod sa pagiging manunulat, nagsilbi rin siya sa patnugutan ng iba't ibang magasin. Ilan lamang sa mga posisyong kanyang nahawakan ay: bilang patnugot pampanitikan ng Bisaya (1938-1941), Lamdag (1947); at bilang katulong na patnugot ng Bulak (1948-1952). Binansagan si Navarra na "Hemingway sa Binisaya" ng iba pang manunulat na Cebuano. Ilan sa kanyang mga isinulat: "Apasumpay" (Pahabol), "Ug Gianod Ako…" (At Ako’y Inanod…), "Ang Pahigmata "(Ang Pagkamulat),at "Si Manang Merin ug ang Kasing" ( Si Manang Merin at ang Turumpo). Sa panahon ng digmaan, bagama't unti-unting iniwan ni Navarra ang pagsusulat at nagsimula nang bumuo ng pamilya, naging aktibo naman siya sa pagtatatag ng LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya, o pinakapuso ng kahoy ng panulat sa Bisaya).

Mga Paksa sa "Si Manang Mering at Ang Turumpo"[]

Ipinakita sa kwentong ito kung paano itinuturing na inosente ang mga bata sa lipunan-- na sa mata ng lipunan ay pawang mga musmos pa sila na walang malay sa mundo.Nakita ko rin ang anggulo ng "blackmail"-- kung paano ginamit ng misteryosong lalaki ang "pag-ibig daw" ni Merin sa kanya upang makuha ang hinihingi nito na ayaw ibigay ng dalaga noong una.

Mga Tauhan sa "Si Manang Merin at Ang Turumpo"[]

Nangunguna sa mga tauhan ang magkaibigang sina Dong at Arsenio. Nariyan din si Manang Merin (ang ate ni Dong) at ang misteryosong taong naghanap kay Manang Mering.

Buod ng "Si Manang Merin at Ang Turumpo"[]

Habang naglalaro ng turumpo ang magkaibigang sina Dong at Arsenio ay may taong (hindi pinangalanan) ang lumapit kay Dong at naghanap sa kanyang ate. Dinala niya ito sa kanyang ate at bumalik ang magkaibigan sa paglalaro. Maya-maya pa'y naisipan ni Arseniong maglamaw (kinayod na buko na hinaluan ng sariling katas, asukal, at kung minsan pa ay gatas). Nagpresenta si Dong na pumanhik sa bahay upang kumuha ng asukal na kakailanganin nila sa lamaw, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang Manang Merin nang marinig niyang magsalita ito. Natukso siyang makinig sa usapan at sa kalauna'y sumilip sa butas ng dingding. Sa buong pag-uusap ng kanyang manang at ng taong naghahanap dito ay narinig niyang may isang bagay na hinihingi ang tao (na isang lalaki) sa kanyang manang ngunit ayaw ibigay nito. Pagbalik kay Arsenio ay naikwento ni Dong ang kanyang narinig at bumalik ang dalawa sa kwarto at sabay na sumilip sa butas ng dingding. Nang sabihin ni Arseniong umiiyak si Manang Merin, pinuntahan ito ng dalawa at tinanong ang dahilan ng pag-iyak nito ngunit sinabi ng manang na binalitaan lamang daw siya ng lalaki na namatay na ang kanilang kaibigan

Mga Paksa sa "Ang Pagkamulat"[]

Ipinakita sa kwento kung paanong ang lalaki ay mas malakas sa babae, halimbawa na lamang nang banggitin na ang kalabaw ni Arsenio ay babae-- na tila ba nagpapahiwatig na "alipin" lamang ng mga lalaki ang mga babae. Sa pagtutuos nina Arsenio at Tekya ay nagsukatan rin ng lakas (literal) ang dalawang seks. Tila tinutuya rin sa kwento ang "pagkalalaki" ng isang lalaki-- nakita natin ito nang sabihang "duwag" ni Arsenio si Lino nang ayaw nitong pakawalan ang mga kalabaw nila sa kamagayan ni Simon sa takot na mahuli.

Mga Tauhan sa "Ang Pagkamulat"[]

Umiikot ang kwentong ito sa magkaibigang Lino at Arsenio. Nariyan rin si Tekya (ang babaeng nagbabalang magsusumbong kay Simon kapag nagpastol ang magkaibigan sa kamagayan nito), Simon (ang may-ari ng kamagayan), at Gavino (ang may-ari ng lupang pinagtatamnan ng mga puno ng sineguelas).

Buod ng "Ang Pagkamulat"[]

Magkaibigan at kapwa namamastol ng kalabaw sina Diyak Lino at Diyak Arsenio. Isang araw ay naisipan nilang pakawalan ang kanilang mga kalabaw sa kamagayan nina Simon at Amon ngunit nagbabala si Diyak Lino na nagbabala raw sa kanya si Tekya na magsusumbong ito kapag pinakawalan ang kanilang mga kalabaw sa bakuran nina Simon. Sa bandang huli ay nakumbinsi rin si Lino sa balak ni Arsenio at naisipan naman ng huli na mamitas sila ng sineguelas kina Gavino. Habang namimitas ng sineguelas ay narinig nila ang tila nag-eeskandalong boses ni Tekya kung kaya't hinarap ito ni Arsenio at siya'y nakipag-dwelo. Napabagsak ito ni Tekya at sunod namang hinarap si Lino. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi sinasadyang mahawakan ni Lino ang kaliwang dibdib ng babae at naramdaman niyang hindi ito tumutol. Lumipas pa ang ilang sandali (na hindi diretsahang sinabi kung ano ang nangyari kina Lino at Tekya) at nagising na lamang si Lino sa boses ni Tekya na nagsasabing, "... hindi ako magsusumbong kay Simon na nagpastol kayo sa kanyang kamagayan."

Mga Paksa sa "Pahabol"[]

Tinalakay sa kwentong ito ang wagas na pag-ibig at ang papel na ginagampanan ng pagkakaiba ng estado sa lipunan sa usapin ng pag-ibig (at kung paano nakaaapekto ang "class differences" na ito). Tinalakay rin ang pagsunod ng anak sa magulang kahit pa ang kapalit nito ay pagtalikod sa minamahal.

Mga Tauhan sa "Pahabol"[]

Ang kwentong ito ay umiikot sa nagmamahalang sina Fe at Raul nariyan rin sina Iyo Mino at Iya Silya (mga magulang ni Fe); Joe, Lou, Tiroy, Andoy, Porto at Ranudo (mga kaibigan nina Raul at Fe); at Inday, Ester, Mira at Glenda (mga babaeng nakilala ni Raul nang malayo siya kay Fe).

Buod ng "Pahabol"[]

Sa hindi malinaw na kadahilanan ay hindi matanggap ni Iyo Mino si Raul para kanyang anak na si Fe. Dahil dito, masakit man ay napilitang lumayo ang binata sa kanyang sinisinta. Makaraan ang dalawang taon ay nakatanggap ng lihan si Raul mula kay Fe na nagpapahiwatig ng pagnanais nito na muli silang nagkita, at dahil dito ay muling umuwi ang binata sa kanilang bayan at lihim nilang itinakda ang kanilang pag-uusap. Habang nag-iisa si Fe sa kanilang bahay ay napagpasyahan ng dalawa na doon mag-usap. Mula sa pag-uusap na ito, nabanggit ni Fe na marami ang 'nag-uudyok' sa kanya na piliin si Max dahil sa karangyaang maibibigay nito sa kanya. Habang nag-uusap sina Fe at Raul ay biglang sumulpot ang ama ni Fe sa kanilang harapan at sinaktan si Raul. Nakalimot ang binata at nasaksak niya ng lanseta ang matanda.
Advertisement